Si Cruz sa Krus

source: http://www.facebook.com/notes/reuel-aguila/si-cruz-sa-krus/10150282070604382

 

Kung gayon,

Ipako natin ngayon

Ang isang Mideo

Cruz sa krus

Ng ating kuskos-balungos

Habang binibihisan ng adorno

At burloloy ang mga santo

At Santo Niñong manika

O manikin kung ituring

Ay higit pa sa gamit na sasagipin

Una pa sa mga kahinlog

Kapag may sunog;

O dili kaya’y parang agimat

Na magliligtas sa malas

At pagpapabaya dahil may simbahang

Magliligtas, kaya nabulag

Ang sensibilidad at abilidad,

Kayat naghihirap; kayat nagugutom

Ngunit patuloy na nag-aambag

Ng dasal at piso para sa mga obispo

Na higit na kawawa dahil nawala

Ang abuloy ng PCSO.

 

Ipako sa krus si Mideo

At sino mang hindi sumasamba

Sa estatuwa o rebulto

Na yari sa garing, o semento

O kahoy. Alahoy, alahoy;

Hindi nagmamalinis

Gaya ng pagpahid ng panuelo

O paghalik at pagtanggap ng mikrobyo

Sa naunang lumaway sa santo

Na magbibigay ng mirakulo

Sa napurnadang buhay

Dahil  ipinagkatiwala, isinugal

Sa gobyerno at tadhana

Ayayay ayayay.

 

Walang kara si Cruz;

Di tulad ng kriminal at nangungurakot

Na ginawa pang saksi ang Diyos

Sa kanilang pagpapalusot.

Kayat halina, kata nang ipako

Sa krus si Cruz

Upang sa landas na nagkukurus

Ay maging matuwid

Patungo sa ating pagkabulid.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s