Kontrobersyal na exhibit, ipinasara

08/09/2011 11:13 PM

Marami ang pumunta kanina sa Cultural Center of the Philippines para silipin ang kontrobersiyal na “Kulo” exhibit ni Mideo Cruz na naging tampulan ng batikos dahil sa umano’y pambabastos nito sa mga Kristyanong imahe.

Pero wala nang nagtagumpay makapasok dahil nagdesisyon ang CCP na ipasara ito.

Pero nilinaw ng CCP na hindi ito dahil sa kontrobersiya kung hindi dahil sa dumaraming bilang ng banta na natatanggap nila.

“I think we live in different times. Times have changed. The nature of the reactions is more strident. We will not abandon the cause of art. That is the heart and soul of CCP. This is the home of artistic expression and that will continue,” sabi ni Emily Abrera, chairman ng CCP.

Sang-ayon naman ang Pangulo sa ginawang pagsasara ng exhibit.

Nakipag-usap si PNoy sa board ng CCP at ipinaalala sa kanilang Kristyano ang nakararaming mga Pilipino.

“’Yung CCP funded by public money also. It should be in the service of the people. So when you insult the beliefs of most of the people, I don’t see where that is of service,” sabi ng Pangulo.

Ikinatuwa rin ito ng Christian groups pero di pa rin daw absuwelto ang artist at ang CCP.

“Ipagpapatuloy ng mga grupong aming nirerepresenta ang kanilang pagsampa ng kaso sa CCP,” sabi ni Atty. Jo Imbong ng St. Thomas More Society Inc.

Para naman kina Senador Vicente Sotto III, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile, dapat ay mag-resign o humingi ng dispensa ang mga opisyal ng CCP.

Gaya ng kontrobersyal na obra na pinagmulan ng lahat, tiyak na magiging bahagi rin ng diskusyon ang naging desisyon ng CCP na ipasara ang exhibit lalo’t di pa natutuldukan ang isyu ng relihiyon laban sa freedom of expression. Jeff Canoy, Patrol ng Pilipino

WATCH FULL HERE: http://www.abs-cbnnews.com/video/lifestyle/08/09/11/blasphemous-art-exhibit-closed-down

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s