CCP, dedesisyunan kung tatanggalin ang kontrobersyal na artwork

08/05/2011 10:01 PM

Napuno ang CCP main gallery ng mga magkakatunggaling grupong mainit na nagsagutan kung dapat bang tanggalin ang mga kontrobersyal na artwork na ito o hindi bago matapos ang art exhibit sa Agosto 21.

Sa isang banda ang mga Christian groups, habang sa kabilang banda naman ang mga alagad ng sining.

Idinaos ang dayalogo dahil sa matinding protesta mula sa iba’t ibang sektor na kumukondena sa paggamit ng imahe ni Hesukristo, na tila ba paglalapastangan dito.

Depensa naman ng mga artists, bahagi ito ng freedom of expression na ginagarantiya ng Konstitusyon.

Base sa mga puntos na inilahad sa forum, magdedesisyon pa ang CCP kung tatanggalin ang mga artwork.

“We are also careful in trying to create something that will not only protect CCP, but [also] to make sure that the course of action we will take will be beneficial to the majority,” paliwanag ni CCP president Raul Sunico.

Sinira naman ng ilan ang ibang artworks. Pinutol-putol nila ang mga kahoy na ari at sinulatan din nila ang mga dingding.

Ipinagkibit-balikat lamang ito ng artist na si Mideo Cruz.

Sampung taon na raw ang kanyang obra, pero ngayon lang ito napansin nang ganito.

“Now, it is an extension of the work. Hindi na lang ako ang artist na involved dito. There are now others involved in the artwork,” paglalarawan ni Cruz sa ilang mga obra niyang sinira.

Minsan lang mapuno ang CCP nang ganito kaya sa kabila ng protesta, para sa mga alagad ng sining, natupad ang kanilang hangaring makita ng mas nakararami ang kanilang pananaw sa lipunan, hangaan man nila ang mga ito o kasuklaman. Ces Oreña-Drilon, Patrol ng Pilipino

WATCH FULL AT: http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/08/05/11/ccp-decide-controversial-artworks%E2%80%99-fate

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s