NAKAKA OFFEND!

by concerned citizen JP Cuison

source:http://misteravid.tumblr.com/post/8807896766/nakaka-offend-by-concerned-citizen-jp-cuison-1

 

1.)  ”Na offend ako sa pagbabalandra ng halos hubad na katawan ni “kristo” sa mga simbahan. Na offend ako kasi ang parati nilang pinapakitang image ni kristo ay yung duguan, kawawa, nakapako at “patay” na kristo. Hindi ba pwede yung “buhay” na imahe ni Kristo na lang ang ipakita nila? Kayo kaya, kunin ko yung picture ng kamag-anak niyong patay habang nasa kabaong siya at ipaskil ko kung saan saan matutuwa kaya kayo? Sana po tanggalin na at magbitiw na rin po sana ang mga officials ng simbahan. Salamat..”

2.)  ”Na-offend po talaga ako at tinatawag na GINOO si Maria (‘aba GINOONG Maria’) samantalang di naman siya LALAKE! Nakaka-init ng ulo, sobrang na-offend ako. I’m requesting na kung sino man ang magsabi ng aba GINOONG maria ay makulong! Magdedemanda ako! Mga walang galang sa INA ng Diyos! Pambabastos!”

3.)  ”Basta ako na offend ako sa Black Nazarene. Hindi black si Kristo. Hindi siya “slave”. Oo alam ko nasunog yun, pero para idisplay at iparada ang “image” ni Kristo na sunog… na offend ako. I’m requesting na ipatanggal siya sa quiapo church immediately!!! Kumuha kaya ako ng picture ng nanay niyo tapos lagyan ko ng pentel ang buong balat, at iparada ko sa buong manila matutuwa kaya kayo?”

4.)  ”Sobrang na offend at nabababuyan sa mga poste ng Meralco. Very Phallic. Matigas, kulay brown at nakatayo pa. I’m requesting for immediate dismounting and resignation of Meralco officials. Huwag na nating antayin na makialam ang CBCP dito…pls pakitanggal na’po. Thank you!”

5.)  ”Sobrang na-offend ako sa art na ‘to na nasa EDSA. Pambababoy sa mga kababaihan. Halatang Silicon ang implant! I’m really offended. Kabastusan at pambababoy. I’m requesting na tanggalin na ang monumentong ito at immediate resignantion ng mga tao behind this monument. Pls, huwag na po nating antaying makialam ang CBCP dito. Pls, paki-alis na po, na-offend po talaga ko. Salamat!”

6.)  ”Sobrang nao-offend ako sa shape ng pala. Napakabastos! Ang baboy, korteng ari ng lalake. Na-offend talaga ako. I’m requesting na sana ay itigil na ang pagbebenta ng mga pala sa hardwares at kasuhan ang mga hardware stores na nagbebenta nito. Nakakahiya kayo! Ang baboy! I-pull out na sana natin at huwag na po nating paabutin sa CBCP ang issue, salamat po.”

7.)  ”Sobrang na-offend ako na ang isang alagad ng simbahan ay tinatawag na Cardinal “SIN”. HIndi magandang pakinggan na kasama ang “kasalanan” sa pangalan ng “alagad ng diyos”. Sobrang na-offend ako. Pwede namang magpapalit ng pangalan diba. Kung si Karol Wojtyla pinalitan ang pangalan at naging Pope John Paul na ngayon, baka pwede ring gawin yun kay SIN. Na-offend talaga ako. I’m requesting of immediate renaming of SIN. Na offend po talaga ako.”

8.)  ”Sobrang na-offend ako sa cartoons na POKEmon. Ang bastos ng pangalan! Ang baboy! I’m requesting na i-pullout na’to at magpaliwanag ang mga officials ng Cartoon Network. Magpa-open form kayo! Malaswa sobra! Pls. paki pullout na po at huwag na nating hintaying makiaalam ang CBCP dito. Salamat po!”

9.)  ”Sobrang na-offend ako dito. Ang baboy! Nakakabastos at ang laswa! I’m requesting na i-pull out na ‘to sa market at pagresign-nin ang mga officials behind this product. Nakakahiya kayo! Pls, pakigawan na ng paraan bago pa makialam ang CBCP dito sa issue. Salamat po”

10. )  ”Sobrang na-offend ako sa commercial na’to. Kababuyan ang itunuturo sa mga kabataan. Kalaswaan and pinopromote! Buti na lang at sobra sobra ang kapangyarihan ng CBCP (mas malakas kaysa presidente) at di na pinapalabas ‘to sa TV ngayon. Salamat CBCP, nakaka-offend talaga.”

11.)  “Na-offend po talaga ako dito. Biruin mong ilagay ang imahe ni San Miguel sa bote ng gin. Klarong pambabastos sa alagad ng Diyos. Kayo kaya, ilagay ko kaya sa bote ng inuming nakakalasing ang larawan nanay niyo ano kaya magiging reaksyon niyo? CBCP at Prolife, tulungan niyo po akong ipa Pullout ang produktong ito sa market at pa resign-nin po natin ang manufacturer ng produktong ito. Salamat po. Umaasa po ako sa inyo. Sama sama po nating puksain ang mga nang-o-offend sa ating paniniwala. Kasama niyo po ako.”

https://i0.wp.com/a5.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc6/267389_10150266553913197_589263196_7668071_6176858_n.jpg

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s